Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng face-to-face graduation rites para sa school year (SY) 2021-2022.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, positibo siya na maaari ng magsagawa ang mga paaralan ng kanilang graduation rites lalo na’t nag-i-improve ang COVID-19 risk assessment sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Aniya, umaasa silang hindi na magbabago ang sitwasyon hanggang sa graduation season.
Nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na bumubuo na sila ng draft guidelines para sa face-to-face graduation ceremonies.
Ang graduation ceremonies aniya ay ibabase sa new normal na nakakasunod pa rin sa minimum public health standards.