Face-to-face learning sa mga lugar na walang COVID 19-case at walang internet, dapat pag-aralan ng DepEd

Nag-aalala si Senator Imee Marcos kung paano maisasagawa ang distance learning sa mga lugar sa bansa na wala pa ring matinong signal ng internet at mahirap din kung iaasa sa modules, self-study, at sa radyo at telebisyon ang pag-aaral.

Dahil dito, hinikayat ni Marcos ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan kung posible ang face-to-face sa mga lugar na walang internet at wala ring kaso ng COVID-19.

Pero giit ni Marcos, kung gagawin ang face-to-face learning ay dapat matiyak na masusunod ng mahigpit ang health protocols laban sa COVID-19.


Iminungkahi rin ni Marcos na sa face-to-face learning ay dapat kakaunting estudyante lang ang nasa loob ng silid-aralan at mainam din na maisalalim sa COVID-19 testing ang mga guro.

Facebook Comments