Face to face na graduation ceremony, ipinagbabawal pa rin ng DepEd

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan na bawal ang magdaos ng face-to-face graduation at iba pang seremonya sa pagtatapos dahil sa kasalukuyang pandemya.

Nakasaad sa DepEd Memorandum No. 027, series of 2021 na virtual graduation at recognition ceremonies lamang ang maaaring idaos ng mga paaralan at mga learning center.

Anila, hindi dapat lalagpas sa dalawang oras ang virtual graduation para hindi masyadong mahirapan sa internet connection na kakailanganin ang mga mag-aaral para makadalo rito.


Itinatakda naman ng DepEd ang graduation at end-of-the-school-year activities mula Hulyo 12 hanggang Hulyo 16.

Maaari rin iusog ng schedule kung hindi ito makakayang gawin sa nasabing mga araw.

Facebook Comments