Ibinalik na ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang face-to-face visitation sa mga Persons Deprive of Liberty (PDL).
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, muli nilang pinahintulutan ang pagkakaroon ng face-to-face visitation bilang maagang pamasko sa mga PDL at kanilang pamilya.
Paliwanag ni Iral, bilang konsiderasyon sa congestion rate sa maraming pasilidad ng BJMP, 25% lang ng kabuuang populasyon ng PDL ang papayagang makapag-face-to-face visitation sa isang araw.
Tanging immediate family member lang ang maaring mag-avail ng contact visitation kung saan ay papayagan pa ring dumalaw ang mga bistang hindi bakunado kontra COVID-19 basta’t magpresenta lamang ito ng negatibo resulta ng COVID-19 RT PCR o antigen na kinuha 24 oras hanggang 72 oras bago dumalaw.
Ang schedule ng face-to-face visitation ay tuwing araw ng Martes, Miyerkules at Huwebes mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon kung saan bukas din ang face-to-face na dalaw tuwing Sabado at Linggo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.