Face-to-face national simultaneous earthquake drill ng NDRRMC, muling ilulunsad matapos ang mahigit dalawang taon

89

Magsasagawa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng face-to-face national simultaneous earthquake drill sa buong bansa, bukas, Setyembre 8.

Ito ay matapos maantala ng mahigit dalawang taon ang programa dahil sa pandemya.

Magsisimula ang ceremonial pressing of the button at evacuation drill ng alas-9 ng umaga sa Ayala Property Management Corporation headquarters sa Makati City.


Kabilang sa mga gagawing aktibidad ang community evacuation, fire suppression, activation of incident command post, response to mass casualty incident, search and rescue, at high angle rescue.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga kawani ng iba’t-ibang tanggapan, pribado at pampublikong paaralan, at mga residente sa lungsod na makilahok sa naturang programa.

Facebook Comments