Humingi na ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa grupo ng mga mag-aaral sa Facebook na nagpapalitan ng mga kodigo sa pagsagot sa mga aralin.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, nakakabahala ang mga ganitong pangyayari para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Nagreresulta kasi aniya ito na hindi sapat ang ginagawang paraan ng pagtuturo ng mga guro upang matuto ang mga mag-aaral.
Sa ngayon, pagtitiyak ng NBI na gumagawa na sila ng hakbang upang maimbestigahan ang nasabing Facebook group.
Facebook Comments