Umabot na sa alarming level ang bilang ng mga insidente ng panghahack ng Facebook account sa bansa sa nakalipas na tatlong taon.
Sa datos ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, 743 na agad ang kanilang natanggap na Facebook hacking incident.
Ang datos ay mas mataas kung ikukumpara sa kabuuang bilang na naitala noong 2021 na 503 at 1,402 Facebook hacking incident noong 2022.
Ayon sa PNP-ACG, nagpapakita ito ng pag-sipa ng kaso ng pang-hahack ng Facebook account na nagdudulot ng matinding epekto sa pinansyal at emosyonal na aspeto ng mga biktima kung saan lumalabas na pangunahing motibo na manipulahin ang pagkakakilanlan ng account user upang makapangloko o makapang-scam.
Payo ng PNP-ACG sa lahat ng facebook account users na magkaroon ng two-factor authentication na makikita sa FB setting, iwasan din ang pagkonekta sa mga pampublikong wifi, at i-log-out ang mga facebook account sa mga devices o gadget kung hindi ginagamit.