Facebook, kumpiyansang aarangkada pa rin sa Philippine market sa 2019

Kumpiyansa ang social media company na Facebook na patuloy silang aarangkada sa Philippine market sa susunod na taon.

Ito ay sa kabila ng kinahaharap na privacy concerns at issues sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Facebook Philippines Country Director John Rubio – palalakasin nila ang apat na consumer communication trends sa 2019: ito ay ang multi-screening consumers, videos, stories at messaging.


Binanggit din ni Rubio na bawat araw, ang isang Pilipino ay gumugugol ng tatlong oras at 57 minuto sa social media.

Nasa 62 milyong Pinoy na rin ang gumagamit ng mobile devices para maka-access sa social networks.

Base sa pag-aaral ng 2018 global digital report na inilabas nitong Enero, maraming oras na ang iginugugol ng mga Pilipino sa social media worldwide.

Sa pag-aaral naman ng creative agency na ‘We Are Social’, nananatili ang Facebook bilang popular na social media platform sa bansa kung saan may 67 million na Pinoy ang mayroong account.

Ang Facebook messenger naman ang pinakatanyag na messaging application sa Pilipinas, naungusan na nito ang mga kalabang apps gaya ng Viber at Whats App.

Facebook Comments