Facebook Messenger, nag-trending dahil sa aberyang naranasan ng mga netizens

Nag-trending online ang messaging platform ng Facebook na ‘Messenger’ dahil sa naranasang aberya ng mga netizens kagabi.

Inihayag ng mga netizens ang kanilang reklamo at hinaing sa Twitter hinggil sa downtime ng messaging app.

Batay sa website downtime monitor DownDetector.com, nakatanggap sila ng halos 4,000 reports hinggil sa Facebook Messenger.


Karamihan sa mga reklamo ay may kinalaman sa pagpapadala ng mensahe, isyu sa connection sa server, isyu sa pag-log in.

Bukod sa Pilipinas, nakaranas din ng aberya sa messaging app ang Europe at ilang bahagi ng Asya, Australia at North America.

Facebook Comments