Facebook, nagsimula nang magtanggal ng mga pekeng accounts sa Pilipinas; NPC at DOJ, may babala sa publiko

Nag-umpisa na ang Facebook na magtanggal sa mga pekeng accounts sa Pilipinas.

Sa interview RMN Manila kay National Privacy Commission Chairperson at Commissioner Raymund Liboro, mula kagabi hanggang ngayong araw ay nagpapatuloy ang pagtatanggal ng Facebook sa mga peke at duplicated accounts.

Kasabay nito, pinayuhan ni Liboro ang publiko na agad ireport kung ang kanilang account ay nagkaroon ng duplication o nagamit ang kanilang pangalan sa paggawa ng pekeng account.


Nagbigay din ng ilang precautionary measures ang NPC para maprotektahan ng publiko ang kanilang mga accounts.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Justice Undersecretary Markk Perete na nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation sa mga internet service provider sa bansa, maging sa pamunuan ng Facebook upang matukoy ang mga suspek sa paglipana ng mga dummy at fake accounts sa social media platform.

Pagtitiyak ni Perete, mahuhuli at mapaparusahan ang mga ito sa ilalim ng Anti-Cycbercrime Law.

Sa ngayon ay nasa libo-libo na ang natatanggap na complaint ng doj kaugnay sa mga dummy at fake accounts sa Facebook.

Facebook Comments