Inanunsyo ng kumpanyang Meta na hindi na maaaring mag-host ng anumang Live Shopping events sa kanilang platform na Facebook simula sa Oktubre 1.
Ayon sa Meta, nais ng maraming konsyumer ngayon ang short-form video, kaya naman pagtutuunan na nila ang Reels sa Facebook at Instagram.
Gayunman, sinabi ng Meta na maaari pa ring gamitin ang Facebook live para sa live events, pero hindi na maaaring lumikha ng product playlists o mag-tag ng mga produkto.
Kaugnay nito, hinimok ng Meta ang publiko na gumamit ng Reels at Reels Ads upang makapag-tag ng produkto at gumamit ng Instagram para magtakda ng live shopping events.
Facebook Comments