Manila, Philippines – Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na isolated case lamang ang faceless 100 Peso bills na lumabas sa ATM ng Bank of the Philippine Islands (BPI).
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla – maituturing lamang itong hiwalay na insidente para patuloy ang kanilang pagsisiyasat hinggil dito.
Sinabi naman ni BPI Spokesman Owen Camayo – aantayin nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng BSP hinggil sa insidente pero mayroon din silang isinasagawang hiwalay na imbestigasyon.
Nabatid na ipinost ng isang facebook user Earla Anne Yehey sa mismong araw ng Pasko ang apat na 100 Peso bills na walang nakaimprentang mukha ni dating pangulong Manuel Roxas.
Facebook Comments