Manila, Philippines – Aminado ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na printing error ang dahilan kung bakit walang mukha ang P100 bills na na-withdraw ng isang netizen mula sa isang Automated Teller Machine (ATM).
Ayon kay BSP Managing Director Carlyn Pangilinan, isolated case lamang ang insidente at kakaunti lang ang P100 bills na maling naimprenta.
Aniya, may mga pagkakataon na nagkakaroon ng machine errors sa production at manufacturing process ng pera na dahilan ng pagkakamali sa pag-print nito.
Kasabay nito, tiniyak ng BSP na kontrolando na nila ang nangyari at pwede pa namang magamit ang misprinted bills.
Pero mas mainam aniyang ipapalit sa kanila ang na-withdraw na misprinted banknotes.
Facebook Comments