Facial Composite Sketch ng mga Suspek sa pagpatay Kay Brgy. Capt. Achas pinalabas na

271

Facial Composite Sketch ng mga Suspek sa pagpatay Kay Brgy. Capt. Achas pinalabas na Pinalabas na ng mga opisyal ng PNP ang facial composite sketch sa dalawang suspek sa pagpatay kay Brgy. Capt. Felipe Achas ng Brgy. Mapawa, Surigao City. Ayon sa Chief of Police Supt. Jay Baybayan ang facial composite sketch ang base sa description sa mga nakasaksi. Diumano’y patuloy ang imbestigasyon nila sa krimen, isa sa anggulo ang nangyaring panununog sa heavy equipments sa kanilang barangay bago pinatay si Achas kasama na rin ang sumbong na nagpakilala ang mga suspek na sila’y mga miyembro ng Phil Army, dagdag pa ang ibang impormasyon na posibleng New People’s Army ang may kagagawan. Ang namatay na si Achas ang nakatakdang ilibing bukas sa Brgy. Mapawa. Samantala, nanumpa na ang bagong Brgy. Capt.ng Mapawa kapalit ni Achas. Ito’y kinilalang si Florendo Silvoza, number 1 Brgy. Kagawad sa naturang barangay. Ito’y nanumpa sa harap ni City Mayor Ernesto Matugas.

Facebook Comments