Manila, Philippines – Balak ng Department of National Defense (DND) na magkaroon ng facial recognition software at drones para paigtingin ang internal security ng bansa.
Ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana, bahagi ito ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para protektahan ang bansa laban sa mga terorista.
Mabilis na matutunton ang mga masasamang loob kapag mayroong facial recognition software.
Bibili rin ng drones o unmanned aerial vehicles para sa mas malawak na pagbabantay.
Pero giit din ni Lorenzana na kailangan din nila ng intel people.
Sa ngayon, ang Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Brunei at Singapore ay nagbabahagi ng kani-kanilang intelligence sa isa’t-isa.
Facebook Comments