FACILITATED SIM CARD REGISTRATION, PUSPUSANG ISINASAGAWA NG NTC REGION 1

Puspusang nagsasagawa ng mga facilitated Subscriber Identity Module (SIM) card registration sa ilang mga bayan sa Pangasinan bunsod ng nalalapit ng deadline sa pagregister ng mga SIMs sa darating April 26, ngayong taon.
Alinsunod dito ang pangangasiwa ng ahensya ng facilitated SIM card registration sa bayan ng Labrador ngayong araw.
Ito ay para sa mga nahihirapan at hindi pa nakaregister na mga residente sa bayan sa nasabing sim card registration at dumagdag sa bilang ng mga registrants.

Kinakailangan lamang dalhin ang mobile phones kasama ang sim card at isang government-issued identification card o valid ID.
Sa kasalukuyan, nasa higit 65M pa lang ang nakapagparehistro mula sa tinatayang bilang na 168, 000, 000 na total number of subscribers sa buong Pilipinas nationwide as of December 2022.
Maigting na ipinapaalala ng ahensya na magparegister na upang hindi na mahirapan o kaya naman hindi ma-deactivate ang kanilang mga gamit na sim cards dahil ayon pa sa kanya mahigpit umanong ipapatupad ng DICT ang implementasyon ng registration dahil isa na itong batas. |ifmnews
Facebook Comments