FACILITATED SIM REGISTRATION SA BAYAN NG SAN NICOLAS, ISASAGAWA

Magaganap ang isang Facilitated Sim Registration sa bayan ng San Nicolas na naglalayong makapagbigay tulong sa mga residente sa nasabing bayan na nahihirapang magparehistro ng kanilang SIM.
Pinaalalahanan ang mga lalahok na kailangan lamang dalhin ang mobile phone kasama ang SIM at ang isang valid ID.
Gaganapin naman ito sa Municipal Grounds ng San Nicolas sa February 16, 2023, sa oras na alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, ang Facilitated Sim Registration ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 1 upang di lamang matulungan maiparehistro ang SIM ng mga residente gayundin upang makaiwas sa laganap na online scamming ngayon. |ifmnews
Facebook Comments