FACT-CHECKING EFFORTS | Facebook, nagsimula nang mag-block ng websites na hinihinalang nagpapakalat ng fake news

Manila, Philippines – Simulan na ng Facebook na harangin ang ilang website na hinihinalang nagpapakalat ng fake news.

Ito ay kasabay ng pagpapaigting ng social networking site ng kanilang fact-checking efforts laban sa mga misleading content at false information.

Ayon sa Facebook, hindi na maaring mag-share ang mga user ng content mula sa mga website na hindi sumusunod sa kanilang community standards.


Dahil dito, tiniyak ng Facebook na patuloy nilang itataguyod ang mga hakbanging magpoprotekta sa mahahalagang impormasyon ng kanilang users.

Facebook Comments