FACT-CHECKING INITIATIVE | Facebook, bukas na makipagpulong sa mga Philippine government officials

Manila, Philippines – Bukas ang Facebook na makipagpulong sa government officials ng Pilipinas para matalakay ang isinasagawang fact-checking initiative sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagpili nila sa Rappler at Vera Files bilang third-party fact checkers.

Ayon kay Facebook Director for Community Affairs for Asia Pacific Claire Deevy, nakikipag-ugnayan sa kanila ang Pilipinas hinggil dito.


Nais nilang malaman ang feedback sa ginagawa nilang inisyatibo at kung paano pa nila ito maisasa-ayos.

Paliwanag ni Deevy, napili nila Rappler at Vera Files dahil sila lamang ang Philippine members ng international fact checking network ng Poynter Institute na siyang nangungunang organisasyon sa pagbibigay ng fact-checkers sa buong mundo.

Una nang kinumpirma ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Harry Roque na makikipagpulong ito sa mga opisyal ng Facebook tungkol sa isyu.

Facebook Comments