FACT-CHECKING | Mga blocked websites sa facebook, alamin!

Manila, Philippines – Tinukoy ang ilang websites na hinarang ng facebook na nagpapakalat ng fake news.

Ito ay kasabay ng pagpapaigting ng social networking site ng kanilang fact-checking efforts laban sa mga misleading content at false information.

Kabilang sa mga ito ay ang ‘Duterte News Today’, ‘Duterte News Info’, ‘Filipinews’, ‘Hotnewsphil’, at ‘Philnewsportal’.


Ang mga nasabing page ay natukoy dahil sa pagpapalathala ng mga pekeng artikulo tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Pilipinas.

Ayon sa facebook, hindi na maaring mag-share ang mga user ng content mula sa mga website na hindi ligtas at hindi sumusunod sa kanilang community standards.

Facebook Comments