Fact checking ng Vera Files sa #realnumbers data, tinabla ng PCOO

Itinanggi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na salungat ito sa #realnumbers reports tungkol sa bilang ng mga nasawi sa war on drugs.

Ito ang tugon ng PCOO matapos sabihin ng Vera Files na naging inconsistent ang PCOO sa datos ng #realnumbers, ang programa ng gobyerno na naghahatid ng datos kaugnay sa drug war.

Sa report ng Vera Files, kinokontra ni PCOO Assistant Secretary Marie Banaag ang #realnumbers data kung saan itinatanggi nito na libu-libo ang namatay sa anti-drug campaign ng gobyerno.


Binanggit ng Vera Files ang year-end accomplishment report ng gobyerno nitong 2017, sa unang 16 na buwan ng kampanya kontra ilegal na droga, higit 20,000 deaths na ang naitala.

Lumabas sa report na nasa 16,355 ang homicide cases under investigation.

Paliwanag ng PCOO, ang homicide cases under investigation ay hindi lahat ay may ugnayan sa drug war.

Wala ring contradiction sa mga sinabi ni Banaag.

Facebook Comments