Wednesday, February 11, 2026

Fact-finding mission ng mga civil society group sa Abra de Ilog, welcome sa PA

Welcome sa 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang isinagawang lehitimong fact-finding mission ng nga civil society group sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Ito ay kasunod ng mga serye ng engkwentro sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakasagip sa Fil-Am na si Chantal Anicoche.

Ayon sa 2ID, pormal na humingi ng permiso , sumunod sa mga protocols at nagsagawa ng courtesy calls sa lokal na pamahalaan at mga concerned agencies bago pumasok sa apektadong komunidad ang nasabing misyon.

Binubuo ang nasabing misyon ng mga myembro ng academe, mga kabataang propesyunal , Hands Off our Children Movement, at Buklod Kapayapaan Federation Inc.kung saan kasama sa nasabing grupo ang kapatid ni Jerlyn Doydora, na sumapi sa New Peoples Army (NPA) at dinala sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang labi.

Habang nagsagawa rin sa nasabing lugar ng humanitarian at community-based activities sa tulong ng local government unit (LGU) at mga lider ng komunidad .

Ayon kay 2ID Spokesperson Col. Michael Aquino, mahalaga ang mga ganitong inisyatiba upang linawin ang mga isyu at labanan ang maling impormasyon tungkol sa sitwasyon sa Abra de Ilog.

Facebook Comments