Tuesday, February 3, 2026

Fact finding team ng DTI at DPWH, nagtutulungan na rin sa imbestigasyon ng mga opisyal na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng binuong fact finding team ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga opisyal na di umano’y sangkot sa maanomalyang proyekto o ang mga palpak na flood control projects ng pamahalaan.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, on-going ang isinasagawa nilang malalimang imbestigasyon sa opisyal ng ahensya.

Nakipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para makita ang tiwaling opisyal na sangkot sa bilyon-bilyong prokeyto ng pamahalaan.

Ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ay isang ahensiya sa ilalim ng Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP) na ngayon ay nasa ilalim na ng Department of Trade and Industry (DTI).

Facebook Comments