Pampanga – Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs Enforcement Group sa pangunguna ni Deputy Commissioner Teddy Raval ang isang bodegang gumagawa ng mga peke at nakalalasong insecticides sa San Simon, Pampanga.
Ayon kay Raval ang isinagawang pag- iinspection ay nauwi sa pagsalakay matapos makumpirma na ang warehouse, na matatagpuan sa Block 12, Lots 1A at 1B sa Global Aseana Business Park, San Simon ay ginagawang factory para sa aerosol insecticides.
Ayon kay Director Felimon Ruiz ng Enforcement and Security Service ang makina at kemikal na ginagamit sa paggawa ng aerosol insecticides ay inaangakat pa mula sa bansang China kung saan ang may ari ng bodega na si Andy Go, ay wala sa lugar ng sumalakay ang mga operatiba ng BOC walang maipakitang Certificate of Payment para sa imported machines at raw materials ang mga trabahador at wala ring business permit or permit to operate na maipresenta na pinahintulutan silang mag produce ng pesticides.
Natuklasan ng BOC operatives ang 10 sets ng machines na mayroong brand name “BAOLLIAI”. kung saan humigit kumulang 50 drums na puno ng kemikal o 2 libong boxes ang laman ng chemicals, na finished products.