Factory Worker, Patay sa Aksidente matapos Bumangga ang Minamanehong Motorsiklo

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang dead on arrival ang drayber ng isang motorsiklo matapos sumalpok ang kanyang minamanehog motorsiklo sa pambansang lansangan ng Brgy. Dalibubon, Jones, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joseph Maranan, 29 anyos, binata, empleyado ng Magnolia Inc. na nakabase sa Bayan ng Echague at residente ng Brgy. Addalam, Jones, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng Jones Police Station, lumalabas na umagaw ng linya ang nasabing biktima dahilan para bumangga ito sa isang pampasaherong van na minamaneho naman ni Christopher Duran, 31 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Napaliong, Jones, Isabela.


Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay habang maswerte namang hindi nasugatan ang drayber ng pampasaherong van.

Sasampahan naman ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide ang drayber ng pampasaherong van habang nananatili ito sa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments