Faeldon at opisyal ng BuCor na idinadawit sa kontrobersyal na “GCTA for sale” – nagturuan

Manila, Philippines – Nagturuan sina dating Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon at legal division chief Frederic Santos kaugnay ng Department Order 953.

Si Santos ay isa sa mga opisyal ng BuCor na idinadawit sa kontrobersyal na “GCTA for sale” sa Bilibid.

Sa pagdinig ng senate blue ribbon committee… sinabi ni santos na sinabihan niya noon si faeldon tungkol sa d.o. 953.


Nakasaad sa kautusan na dapat na may approval ng justice secretary bago magpalaya ng preso na sinentensyahan ng reclusion perpetua.

Pero ayon kay Faeldon – hindi siya sinabihan ni Santos tungkol sa nasabing kautusan.

Ayon naman kay Senate President Tito Sotto III – hindi na siya nagulat na hindi alam ni Faeldon ang tungkol sa Department Order pero ipinagtataka niya kung bakit nasunod ito noon ng BuCor pero hindi naka-comply pagdating sa kaso ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Para naman kay Senador Franklin Drilon, lumalabas na nabigyan talaga ng priority na maagang makalabas ng kulungan si Sanchez.

Facebook Comments