Faeldon, mananatili pa ring nakaditine sa senado kahit inabswelto na ng DOJ

Manila, Philippines – Hindi pa rin makakalaya mula sa pagkakaditine sa senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay kahit pa inabswelto na sya ng Dept. of Justice sa kasong may kaugnayan sa paglusot ng mahiti 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Paliwanag ni Senate President Koko Pimentel, walang kaugnayan sa DOJ ang pagkakaditine ni Faeldon sa senado simula pa noong September 12.


Ayon kay Pimentel, pinatawan ng contempt si Faeldon dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa drug smuggling at mga anumalya sa Bureau of Customs.

Sabi naman ni Committee Chairman Senator Richard Gordon, maaring makalaya si Faeldon kung haharap na sya sa pagdinig.

Kung hindi, ay maari aniyang matulad si Faeldon sa isang resource person na inabot ng pitong taong nakaditine sa senado dahil din sa contempt charges.

Facebook Comments