Faeldon, nag-alsa balutan na sa kanyang opisina

Tuluyan nang nilisan ni Bureau of Corrections o BuCor chief Nicanor Faeldon ang kanyang opisina sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa kaninang madaling araw.

Ito ay bilang pagtalima sa pagsibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Base sa impormasyon, agad na nag-alsa balutan si Faeldon at nagpaalam na sa kanyang mga staff sa BuCor matapos na anunsyo ng presidente.


Pasado ala-una kaninang madaling araw nang lisanin ni Faeldon ang kanyang opisina, kasama ang misis at anak.

Nagbilin din si Faeldon sa kanyang mga staff na huwag malungkot dahil nabigyan sila ng pagkakataon para magsilbi sa bansa.

Dapat din aniyang magpasalamat sa Panginoon at kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments