Manila, Philippines – Nanindigan si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na hindi siya magbibitiw sa pwesto.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan ng mga kongresista na magresign na lamang si Faeldon dahil sa pagiging incomptent matapos na makalusot sa BOC ang 6.4Billion na iligal na droga.
Giit ni Faeldon, siya ay isang sundalo at hindi basta-basta sumusuko sa isang misyon.
Dagdag pa nito, tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan at may kakayahan na alisin siya sa pwesto.
Nauna dito ay ipinanawagan mismo ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang pagbibitiw nila Faeldon at ng ibang Deputy Commissioners ng BOC dahil sa palpak na trabaho sa ahensya.
Sinuportahan din ito ng mga myembro ng Komite maging ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Tinawag pa ni Alvarez na “grossly incompetent” si Faeldon at kung may natitira pa itong kaunting kahihiyan ay dapat na magresign na ito.
Samantala, itinanggi naman ni Atty. Mandy Anderson, tagapagsalita ng BOC, ang isyu na may affair o relasyon ito kay Faeldon.
Natawa na lamang si Anderson sa kumakalat na balita sa kanya at kinumpirmang buntis pero ito ay sa kanyang boyfriend.