Faeldon, nanumpa na bilang deputy ng Office of Civil Defense

Manila, Philippines – Pormal nang nanumpa bilang Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa tanggapan ng Office of the Secretary of National Defense sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

Nanumpa ito sa harap mismo nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at OCD administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Ricardo Jalad at iba pang opisyal ng OCD.

Hinikayat naman ni Lorenzana si Asec Faeldon na magbigay ng mga bagong kaalaman sa OCD upang mas lalo pang mapaunlad ang layunin ng kanilang ahensya mabawasan ang casualties at sira sa mga ari arian kapag may kalamidad.


Sinabi naman ni Civil Defense Administrator, Usec Jalad, na malaki ang kanyang tiwala kay Faeldon upang mas lalo pang mapaangat ang kanilang trabaho ang paglingkuran ang taong bayan.

Si Faeldon ay nakatalaga ngayon sa pagtutok ng mga pangangailan ng Civil defense at DRRM programs

Matatandaang Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Faeldon bilang deputy. Administrator ng OCD noong December 22, 2017.

Sa kasalukuyan ay nakakulong sa Senaso si Faeldon matapos na hindi dumalo sa isinagawang pagdinig ng senado kaugnay sa kotrobersyal na P6.4-billion shabu shipment mula China na naging dahilan rin ng kanyang resignation

Pinayagan lamang syang pansamantalang makalabas kanina para sa oath taking ceremony.

Facebook Comments