Faeldon, posibleng may hawak na impormasyong maaaring makasira kay Pangulong Duterte kaya hindi siya mailaglag

Posible umanong may hawak na impormasyon si Nicanor Faeldon na maaaring makasira kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang hinala ni dating Senador Antonio Trillanes IV kung kaya hindi mailaglag ng pangulo si Faeldon sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan nito sa BOC at BuCor.

Aniya , malaki ang possibilidad na alam ni Faeldon ang pagkakasangkot ni Pangulong Duterte sa mga iligal na transaksyon sa dalawang ahensya ng gobyerno.


Noong Biyernes, matatandaang sinabi ng pangulo na tiwala pa rin sya kay Faeldon.

Bukas din aniya siya sa posibilidad na italaga sa bagong puwesto ang dating BuCor Chief.

Facebook Comments