Manila, Philippines – Pansamantalang lumabas mula sa detention facility ng Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at personal na nagsampa ng ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes Iv.
Ayon kay Faeldon, layunin ng kanyang reklamo sa ethics committee na panagutin si Trillanes sa malisyoso, mapanira, at huwad na alegasyon na siya ang sentro ng 6.4 billion pesos na drug smuggling sa Bureau of Customs.
Sa kanyang 14-na pahinang complaint ay binigyang diin ni Faeldon na dapat patunayan ni Trillanes na siya rin ang link sa Davao group.
Giit pa ni Faeldon, magsorry o mag-isyu ng public apology si Trillanes kung mabibigo itong patunayan ang kanyang mga akusasyon.
Hiling ni Faeldon sa Senate Ethics Committee, suspindehin o patalsikin na sa mataas na kapulungan si Trillanes dahil hindi na ito kayang kontrolin ng mga umiiral na rules o patakaran sa lipunan.