Bahagyang naging mapanganib ang kalidad ng hangin sa Ilocos Region mula alas dose hanggang alas dos ng madaling araw noong January 1, matapos makapagtala ng “acutely unhealthy” na air quality index ang Department of Environment and Natural Resources.
Sa naging batayan, katamtaman o fair sa index na PM10 ang malalaking particulate na nangangahulugang katanggap-tanggap na hangin ngunit bahagyang delikado sa mga may hika, habang PM2. 5 naman sa mga pinong particulate na pasok sa kategoryang acutely unhealthy o delikado sa mga may sakit sa baga o hika.
Dahilan umano ang mataas na holiday emission dahil sa mga sinindihang paputok at usok na dinagdagan pa ng stagnant weather na hindi nakapagpakalat ng usok.
Base sa naging pahayag ng PAGASA, posibleng manumbalik ang magandang kalidad ng hangin kapag bumuhos ang ulan.
Kaugnay nito, patuloy namang nararanasan ang malamig na panahon bunsod ng amihan na sinabayan pa ng makulimlim na kaulapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









