Faith healer, arestado sa ‘panggagahasa’ at ‘pangmomolestiya’ ng 2 pasyente

1994

Dinakip sa Naic, Cavite ang isang faith healer matapos umanong molestiyahan at gahasain ang mga pasyente niya.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arturo Solon, 40, residente ng Brgy. Sabang sa naturang bayan.


Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, humingi sila ng tulong sa manggagamot dahil “nakulam” at “nabarang” sila.

Gumamit daw ng hipnotismo ang salarin kaya sumunod sila sa mga pinapagawa nito.

Doon na umano naganap ang panghihipo sa isang babae at hinalay naman ang kasama niya.

Nang mahimasmasan at makauwi sa kani-kanilang tirahan, agad dumulog sa kinauukulan ang mga pasiyente para ireklamo ang faith healer.

Inamin ng salarin na nahawakan niya sa pribadong parte ng katawan ang mga pasyente pero iginiit niyang bahagi ito ng proseso ng panggagamot.

Kasalukuyang nakapiit si Solon habang hinahanda ang mga kasong isasampa sa kaniya.

Facebook Comments