FAKE | 5 pekeng tauhan ng BOC, huli sa entrapment operations sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang limang pekeng tauhan ng Bureau of Customs (BOC) matapos silang maaresto sa isinagawang entrapment operations sa Intramuros, Maynila.

Sa ulat, sinasabing gumagamit ng pekeng ID yari sa Recto ang mga suspek na sina Ronald Maglente, Robert De Guzman, Anton Dela Cruz, Gilbert Victoria at Ignacio Luna.

Pinaghahanap naman ang mga lider ng grupo na si Constantino Goño at Romelo Muring at isang alyas Alemae Cruz.


Modus ng mga suspek ang mag-alok ng mga sasakyan gaya ng motorsiklo, SUV at laptop sa pamamagitan ng online selling site kung saan nagpakilala sila na konektado sa BOC at mga kumpiskado ang iniaalok nilang sasakyan kung saan gumamit pa sila ng customs ID.

May ranggo umano itong deputy customs collector ngunit iba ang nasa larawan sa ID.
Mahaharap sa kasong swindling, syndicated estafa at usurpation of authority ang mga suspek.

Facebook Comments