FAKE DOCUMENTS | Alkalde ng Palapag, Northern Samar, kinasuhan ng Ombudsman

Northern, Samar – Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng falsification of public documents ang alkalde ng Palapag, Northern Samar.

Kasunod ito ng umano’y pamemeke ng Mayor Manuel Jolo sa Municipal Resolution no. ‎2015-008 na nag-aapruba sa listahan ng anti-poverty reduction projects ng munisipyo.

Dawit din sa kaso sina Sangguniang Bayan member Eleno Calot at Sekretaryang si Emil Go.


Dahil naman ito sa pagsasama sa pangalan ng dalawa pang miyembro ng Sangguniang Bayan sa minute ng special session nito noong February 2015 kahit hindi naman talaga sila dumalo sa pagpupulong para sa deliberasyon at pag-apruba sa nabanggit na resolusyon.

Nagrekomenda naman ng 24-libong pisong piyansa ang ombudsman para sa pansamantalang kalayaan ng mga opisyal.

Facebook Comments