Manila, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento.
Inaresto ng mga tauhan ng immigration sa magkahiwalay na operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Liberian National at isang Indian national na nadiskubreng gumagamit ng pekeng pasaporte.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawa na sina Frederick Buchester, 53-anyos na isang Liberian at Ravinder Kumar, 30-anyos.
Ayon kay Marc Red Mariñas- BI Port Operations Division Chief, Gumamit si Buchester ng pekeng Liberian passport habang si Kumar ay gumamit naman ng pekeng Canadian Visa patungo sanang Toronto, Canada.
Dinala ang dalawa sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang umuusad ang deportation proceedings laban sa kanila.