FAKE MONEY DETECTOR SCANNER, INILAGAY SA PALENGKE NG BANI DAHIL SA PAGLAGANAP NG PEKENG PERA

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Bani sa mga tindera at iba pang nagmamay-ari ng establisyimento sa bayan ng Bani sa paglaganap ng pekeng pera ngayong holiday season.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maging maingat at mapanuri sa perang ibinabayad ng mga mamimili sa kanila.
Upang maiwasang mabiktima ang mga ito, inilagay ang Fake money detector scanner sa wet market section at sa harap ng main building ng palengke.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP Bani upang alamin ang anomang may kinalaman ukol dito.
Nanawagan naman ang LGU sa mga makapagbibigay ng impormasyon upang mapabilis ang pagresolba ang pagkalat ng pekeng pera. |ifmnews
Facebook Comments