Iginiit ng Pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na wala silang ipinatutupad na Number Coding Scheme habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon.
Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, patuloy nilang ipinatutupad ang lokal travel ban sa buong Metro Manila.
Ang pahayag ng MMDA ay ginawa matapos lumabas sa ilang social media ang isang anunsyo kaugnay sa ipatutupad na number coding scheme.
Tiniyak ni Pialago na hindi ito galing sa sa pamunuan ng MMDA.
Kaya payo niya sa publiko na suriin muna ang mga lumabas na balita sa social media upang hindi mabiktima ng mga fake news.
Maaari, aniya, bisitahin ang official Facebook account ng MMDA na may pangalang na MMDA Official upang ma-check ang kanilang mga update kaugnay sa ipinatutupad na polisiya sa lokal transportation sa Metro Manila habang umiiral ang Luzon-wide ECQ.