FAKE NEWS | Ara Mina, itinanggi ang balitang may karelasyon itong isang government official

Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ng aktres na si Ara Mina ang alegasyong na mayroong siyang lihim na relasyon sa isang government official.

Say ni Ara, hindi daw totoo ang nasabing balita at ayaw na rin daw niyang idamay pa ang ibang mga taong nababanggit sa isyung ito.

Nanawagan din si Ara na itigil na ang anumang negative report o fake news dahil hindi daw maganda ito lalo pa at isang opisyal ng gobyerno ang napag-uusapan.


Nabatid na lumabas ang isyung ito sa blind-item report tungkol sa isang aktres na nahuli diumano ang relasyon sa isang government official ng mismong asawa.

Ito ay matapos mag-padala ng text message ang opisyal kay Ara habang kasama ang misis na kasabay nito kumakanta sa birthday party ng aktres.

Kalaunan ay pinangalanan si Ara na siyang tinutukoy na aktres sa blind item na ito ngunit isang source ang nag-linaw na hindi pa pala asawa ng government official ang babae dahil ikakasal pa lamang daw sila.

Facebook Comments