FAKE NEWS DAW | PISTON, nilinaw na walang jeepney strike ngayon

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng pamunuan ng Pinagkaisang Samahan ng
mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON, na wala silang tigil-pasada na
isasagawa ngayong araw.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, na wala silang planong
jeepney strike dahil natapos na nila ito kahapon, at sila aniya ay
nagtagumpay sa kanilang isinagawang tigil pasada.

Sa katunayan aniya, nakausap na rin niya ang mga opisyal ng Metro Manila
Development Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory
Board at maging si QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar at
iba pang mga opisyal hinggil sa naturang usapin.


Paliwanag ni San Mateo na alam umano ng lahat niyang nabanggit na opisyal
at maging ng Malacañang na kahapon lamang ang strike at hindi nila iyon
palalawigin pa.

Dagdag pa ni San Mateo na ang lumabas na report na mayroon silang
tigil-pasada ay isang uri umano ng fake news na pinakakalat ng gobyerno.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments