FAKE NEWS? | DFA, iginiit na malisyoso ang ulat na pinagbibitiw ng career officials si Secretary Alan Peter Cayetano

Manila, Philippines – Itinuturing ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malisyoso ang isang artikulo ng pahayagang *The Philippine Star*.

Nakasaad sa artikulo na nanawagan ang mga career diplomats ng ahensya na magbitiw si DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Hindi pinangalanan sa artikulo ang mga opisyal ng kagawaran na sinasabing nagpadala ng sulat sa Malacañang kung saan inirereklamo nila si Cayetano dahil sa paraan nitong hawakan ang sitwasyon sa Kuwait.


Iginiit ng DFA na walang natanggap ang Office of the President na anumang sulat hinggil dito.

Pinabulaanan din ng DFA ang isa pang news article na ginawa ng reporter na si Pia Lee Brago kung saan nagkaroon umano ng sagutan sa pagitan nina Cayetano at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ikinalulungkot ng kagawaran na inilathala ng *Philstar* ang hindi beripikadong informasyon mula sa anonymous source.

Dismayado rin ang DFA dahil hindi muna kinumpirma ni Brago kung tunay ang mga natanggap niyang impormasyon at hindi niya kinuha ang panig ng gobyerno.

Facebook Comments