FAKE NEWS | Kongresista, pumalag sa pahayag ng palasyo na pinopondohan ng mga drug lords ang mga human rights advocates

Manila, Philippines – Tinawag ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na fake news at iresponsable ang pahayag kamakailan ni Presidential Secretary Harry Roque na pinopondohan umano ng mga drug lords ang mga human rights organizations.

Giit ni Zarate, napakadelikado ng nasabing pahayag ng Malacañang para sa mga human rights advocate dahil nailalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Nakakalungkot aniya na sa ilalim ng Duterte Administration, ang mga lumalaban para sa karapatang pantao ang siyang nasa terrorists list habang ang mga tunay na drug lords ay malaya pa rin sa paggawa ng krimen at ang mga mahihirap ang napapatay.


Naniniwala ang mambabatas na paraan lamang ito ng Malacañang para ilihis ang atensyon ng publiko sa katotohanang isang malaking kapalpakan ang war on drugs ng pamahalaan.

Dagdag pa nito, kahit ano pa ang sabihin ng mga opisyal ng palasyo, hindi maitatanggi na libu-libo na ang namatay dahil sa pekeng kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments