FAKE NEWS | Kumakalat na duguang larawan ng viral taxi driver, pinabulaanan

Quezon City – Nilinaw ngayon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na fake news ang napabalitang namatay sa pamamaril ang taxi driver na sinuntok at pinagmumura ng nakaaway niyang babae sa Quezon City.

Una rito, lumabas sa social media ang mga larawan ng nakahandusay at duguang si Virgilio Doctor.

Ayon kay Atty. Ariel Inton na tumatayong abogado ni Doctor, buhay na buhay ang 52-anyos na taxi driver.


Dahil dito nagbabala si Inton sa sinumang nagse-share na maging responsible sa pagpapakalat ng impormasyon at maaari nila itong kasuhan.

Facebook Comments