FAKE NEWS? | Loyalty check sa DFA pinabulaanan ni Sec. Cayetano

23

Manila, Philippines – Fake News ang umano’y loyalty check na ginagawa sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang sinabi ni DFA Secretary Allan Peter Cayetano makaraan ang umano’y panawagan ng mga career diplomats ng ahensya na magbitiw si Cayetano dahil sa kontrobersyal na pag rescue o pag sagip ng ating embahada sa ilang OFW’s sa Kuwait.

Ayon sa kalihim walang katotohanan at hindi na nya kinakailangan pang alamin kung loyal sa kanya ang mga empleyado kawani maging ang ibang opisyal ng ahensya

Kasunod nito sinabi ni Cayetano na wala naman silang natatanggap o nababasa na liham na pinadala umano sa Malacañang kung saan inirereklamo sya dahil sa paraan kung paano nito hawakan ang sitwasyon sa Kuwait.

Facebook Comments