FAKE NEWS | No-contact na hulihan, pinabulaanan

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kumalat na balitang puro no-contact na lang ang kanilang gagawing hulihan.

Ayon kay MMDA Acting General Manager Jojo Garcia, isa itong fake news.

Payo ni Garcia sa lahat ng nakatanggap ng mensahe, maging mapanuri sa mga natatanggap na advisory.


Muling nilinaw ng MMDA na pwede pa ring mahuli, parahin, at ticketan ang sinumang motoristang lalabag sa batas trapiko.

Magpapatuloy naman ang no-contact apprehension policy kasabay ng mga ground apprehension.

Facebook Comments