Manila, Philippines – Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang maling balitang kumakalat sa social media na humiling siya na payagan ang Liberal Party (LP) na maagang mangampanya.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, binanggit ni Robredo ang kanyang post sa twitter kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng official facebook page ng Manila Bulletin kung saan makikita ang pinekeng headline katabi ang aktwal na headline na nakalathala sa official website nito.
Nakasaad sa fake headline na nag-request siya sa Commission on Elections (Comelec) ng early campaigning para sa pinamumunuan niyang partido.
Base naman sa totoong headline, humiling si Robredo sa Kongreso na ibalik ang mga batas laban sa premature campaigning.
Iginiit ni Robredo na nililinlang lamang nito ang publiko.
Aniya ang pekeng headline ay naka-post sa isang pro-Marcos FB page.
Nagpasalamat naman ang bise presidente sa Manila Bulletin sa paglalabas ng abiso tungkol sa fake news.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>