Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine Airlines (PAL) ang publiko laban sa mga indibidwal na nagsasagawa ng false advertising o nagpapakalat ng maling impormasyon.
Ito na ang ikatlong pagkakataong nagpaalala ang pamunuan ng PAL kasunod ng mga kumakalat na maling advertising sa social media na naglalaman ng airline promotions.
Ayon kay PAL Spokesperson Maria Cielo Villaluna, wala silang isinasagawang survey para maka-avail ang mga pasahero ng ‘2 tickets to everyone for only one dollar’.
Payo ng PAL, huwang magpapaloko sa mga bogus na ads na tulad nito.
Agad isumbong sa PAL ang mga ganitong mga kumakalat na pekeng promo at ads para mapatawan ng karampatang aksyon.
Ang official advertisements ng PAL ay inilalabas lamang sa official website nito at official facebook account na @flypal.