Fake PDEA agent, huli sa entrapment operation sa Dipolog

Dipolog – Mahaharap sa kaukulang kaso ang isang nagpapanggap na agent ng Philippine Drug Enforcement Agnecy (PDEA) matapos mahuli sa ginawang entrapment operation ng Dipolog PNP sa Bypass Road, Barangay Sta. Isabel sa siyudad ng Dipolog.

Batay sa ulat ng Dipolog City Police Station, ang suspek ay nakilalang si Jonathan Dimasangcay Laranjo, 38-anyos ng Barangay Gulayon sa siyudad.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang mga otoridad ng impormasyon na ang nasabing suspek ay nagsasagawa ng recruitment para maging PDEA assets mula sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga del Norte, kapalit ng halaga ng pera na kanyang kinokolekta mula sa mga interesado.


Sa nasabing operasyon, nakuha ng pulisya ang counterfeited identification card ng PDEA mula sa nahuling suspek na siyang ipinakikita umano niya sa kanyang mga nabibiktima.
Si Laranjo ay naka-detain na sa Dipolog PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.

Facebook Comments