FAKE | Pekeng shampoo, ibinabala ng FDA

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagkalat ng pekeng bersyon ng dalawang tanyag na brand ng shampoo na Dove at Tresemme.

Sa pakikipag-ugnayan sa Unilever Philippines Inc., napatunayang may kumakalat at ibinebentang peke na Dove Nutritive Solutions Oxygen and Nourishment Shampoo at Tresemme Smooth and Shine Shampoo.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa pagbili ng nasabing produkto para matiyak na hindi peke ang kanilang mabibili.


Ang mga counterfeit na produkto ay hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensya kaya hindi tiyak na ligtas gamitin.

Facebook Comments